Lalong lumala ang gusot sa pagitan ng kampo ni Karylle at dating boyfriend niyang si Dingdong Dantes.
Balitang hindi nagustuhan ni Dingdong ang nakarating sa kanyang nag-walkout ang “Divine Diva” na si Zsa Zsa Padilla nang tanungin hinggil sa plano niyang pakikipag-usap sa kanila ni Dr. Modesto Tatlonghari.
Gusto raw kasi ng aktor na maging maganda ang simula ng 2010 kaya’t plano niyang kausapin ang mga magulang ng dati niyang girlfriend na si Karylle.
Ang reaksiyon ng singer ay agad na na-upload sa video-sharing website na YouTube kaya’t mabilis itong kumalat at pinag-usapan.
Sa isang episode ng “The Buzz” ay kinlaro ni Zsa Zsa na nagbibiro lang siya nang gawin niya ang nasabing “walk out.”
“Nagulat ako kasi, sabi ko hindi talaga intention, nagpapatawa pa nga ako. Kasi siyempre, feeling ko rin kapag Dingdong ang topic, parang ang tagal na, 2010 na. Let’s move on people, parang ganoon ang reaction ko.
“’Yung iba kasi, parang natarayan sa akin, kumbaga, closed book na sa amin. Kasi Karylle has really moved on beautifully. Pero kung talagang gusto niya ng closure at talagang gusto niya kaming kausapin, just call,” paliwanag ng Divine Diva.
Dagdag pa ni Zsa Zsa, naging maganda ang samahan nila ni Dingdong noong mga panahong sila pa ni Karylle. Isa pa, “closed book” na niyang itinuturing ang paghihiwalay ng dalawa.
Ipinagtanggol naman ni Karylle ang kanyang ina. “You know my mom, she’s a very good person. Ayaw lang niyang mag-comment kasi, matagal na matagal na ‘yung panahong lumipas,” giit ni Karylle. «end»